Thursday, April 12, 2012

Hilahod na kinabukasan!!!



Tila isang pakikipagsapalaran ang Tumapak sa tinik ng kinabukasan.

 Isang pagsubok na susukat sa kakayahan ng isang tao na harapin ang mga bagay na 
maaaring magdulot ng kawakasan.

 Mahirap ngang itaas ang noo sa karamihan lalo’t alam mong ikay nababalot ng kamangmangan ,   kamangmangang humahamon sa  kakayahan maging sa mumunting kaalaman.

Ang kakarampot na pang-unawa ang nagiging dahilan upang umiwas sa liwanag ng kasalukuyan at magtago naman sa dilim ng nakaraan.

Sabagay Magagawa mo  pabang maiapak at isulong ang talampakan sa mapangahas na kinabukasan kung sa maling hakbang palamamg ay mata ng mga mapanghusgang tao ang nakamasid sa iyong lupang kaanyuan?

No comments:

Post a Comment