Thursday, April 12, 2012

Hilahod na kinabukasan!!!



Tila isang pakikipagsapalaran ang Tumapak sa tinik ng kinabukasan.

 Isang pagsubok na susukat sa kakayahan ng isang tao na harapin ang mga bagay na 
maaaring magdulot ng kawakasan.

 Mahirap ngang itaas ang noo sa karamihan lalo’t alam mong ikay nababalot ng kamangmangan ,   kamangmangang humahamon sa  kakayahan maging sa mumunting kaalaman.

Ang kakarampot na pang-unawa ang nagiging dahilan upang umiwas sa liwanag ng kasalukuyan at magtago naman sa dilim ng nakaraan.

Sabagay Magagawa mo  pabang maiapak at isulong ang talampakan sa mapangahas na kinabukasan kung sa maling hakbang palamamg ay mata ng mga mapanghusgang tao ang nakamasid sa iyong lupang kaanyuan?

Bulag na Pag-ibg!!!


 Bulag ang pag-ibig sa taong nagmamahal!

Hunghang naman ang  bansag sa mga taong nagpapabulag at nagpapailalim sa puso ng taong minamahal nito.

Bakit nga ba hindi ito maramdaman ng taong lango sa pagmamahal at bulag sa katotohan na ang tunay na pag-ibig  ay walang imbot at sakit na ipinapadama sa mga matang nakasubaybay.
Oportunista bang maitatawag sa mga taong hindi naman sadya na maipailalim ang taong mahal nito at mahawakan sa leeg ang kanayang minamahal.?

Patha ba ang pag-iisip ng taong hindi naman sinasdyang mapailalim sa kagustuhan ng mahal nito?

Ano ba ang tunay na pag-ibig?

Ang pag-ibig ba ay ang pag-papaalipin sa mahal mo, o pagbibigay ng buong kakayahan na mapaligaya ang isang tao na walang hinihingning kapalit?

Hindi man saklaw ng sihensya ang kahulugan ng pag-ibig.

Isa lang ang masasambit dito ng mga taong kasalukuyang nagmamahal.

"Handa akong masaktan at harapin ang kinabukasan maipaglaban at makasama ko lang ang taong bubuo ng aking pagkakakilanlan!"