Tila isang pakikipagsapalaran ang Tumapak sa tinik
ng kinabukasan.
Isang
pagsubok na susukat sa kakayahan ng isang tao na harapin ang mga bagay na
maaaring magdulot ng kawakasan.
Mahirap ngang
itaas ang noo sa karamihan lalo’t alam mong ikay nababalot ng kamangmangan , kamangmangang humahamon sa kakayahan
maging sa mumunting kaalaman.
Ang kakarampot na pang-unawa ang nagiging dahilan
upang umiwas sa liwanag ng kasalukuyan at magtago naman sa dilim ng nakaraan.
Sabagay Magagawa mo
pabang maiapak at isulong ang talampakan sa mapangahas na kinabukasan
kung sa maling hakbang palamamg ay mata ng mga mapanghusgang tao ang nakamasid sa
iyong lupang kaanyuan?